Inirekomenda ng Commission on Elections-Davao (COMELEC-11) na ilagay ang Barangay Mesaoy sa New Corella, Davao del Norte sa ilalim ng yellow category ng election areas of concern, kasunod ng engkwentro na kinasangkutan ng ilang indibidwal.
Ayon sa ulat ng GMA Super Radyo Davao, COMELEC-11 Assistant Director, Atty. Gay Enumerables, sinabi na ang pagrekomenda ay nagpapahiwatig na may naganap na insidenteng may kinalaman sa halalan ang naturang barangay.
Kinumpirma ng Police Regional Office-Davao (PRO-11) na dalawang indibidwal ang nasugatan at dalawa pa ang naaresto kasunod ng insidente ng pamamaril madaling araw ng Mayo 12, 2025.
Ayon kay PRO-11 Spokesperson PMaj Catherine Dela Rey, nasa kustodiya na ng pulisya ang mga naarestong indibidwal na napag-alamang dalawang grupo ang sangkot sa insidente at posibleng ang dahilan ay may kinalaman sa eleksyon sapagkat isa sa mga biktima ay nakilalang kamag-anak ng isang kandidato sa bayan.
Samantala, mas paiigtingin pa ng pulisya at tropang militar ang seguridad sa lugar upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari ngayong eleksyon.
Photo Courtesy by New Corella Municipal Police Station
Source: GMA Regional TV