Naisakatuparan ng 1st Isabela PMFC ang pagsasagawa ng Color Fun Run sa Lungsod ng Ilagan na ginanap sa Ilagan Sport Complex nito lamang araw ng Sabado, Disyembre 9, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Ruben Martinez, Force Commander ng 1st IPMFC, kasama ang mga tauhan ng Company Advocacy Group, LGU, RPCADU2, BFP, BJMP, PNP SAF, PNP Forensic Group at KKDAT Isabela Chapter.
Umabot naman sa 300 ang nagsipagtakbo na may tatlong kategorya mula 3Km, 5Km at 7Km run paikot sa kalapit ng Lungsod ng Ilagan.

Kinagiliwan din at nakihataw ang mga kalahok para sa ikalawang programa na Dance Fitness Activity ng RPCADU2.
Ang nalikom na pondo mula sa aktibidad na ito ay makakatulong sa mga CTG surrenderee o Former Rebel sa layuning mabigyan sila ng puhunan bilang simula ng kanilang pagbabalik loob sa gobyerno at maging kaisa sa layong matuldukan na ang insurhensiya katuwang ang PNP.
Source: RPCADU2
Panulat ni PCpl Kelvin Paul S Juan