Daanbantayan, Cebu – Naging matagumpay ang pagsasagawa ng coastal clean-up activity ng mga miyembro ng Daanbantayan PNP sa Brgy. Paypay, Daanbantayan, Cebu nito lamang ika-31 ng Hulyo 2022.
Ang paglilinis ay pinangunahan ng mga tauhan ng Daanbantayan Municipal Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Major Marvin M Inocencio, Chief of Police, kasama rin ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng nasabing barangay.
Nakakuha ng iba’t ibang klase ng basura gaya ng bote, plastic, styro at iba pa ang naturang grupo.
Ayon kay Police Major Inocencio, layunin ng aktibidad na mabawasan ang basura sa baybaying dagat na nagdudulot ng pagkasira ng ating yamang dagat, kaya’t patuloy na hinihikayat ng Daanbantayan PNP ang kanilang residente na maging disiplinado sa pagtatapon ng kanilang basura upang hindi na makadagdag sa basurang nagdudulot ng polusyon sa kanilang lugar.
Munting paalala naman ng ating Pambansang Pulisya na panatilihin ang kalinisan at huwag kalimutan na ang ating indibidwal na partisipasyon ay mahalaga upang mapangalagaan ang ganda at yabong ng ating Inang Kalikasan.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah Evangelista