Negros Oriental – Lumahok ang mga miyembro ng Guihulngan City Police Station sa Coastal Clean-up Drive na isinagawa sa Barangay Basak, Guihulngan City nito lamang umaga ng Sabado, Setyembre 24, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Guihulngan City sa pamumuno ni Hon. Filomeno L Reyes, City Mayor na aktibong sinuportahan at nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at maging ng Advocacy Support Group sa naturang bayan.
Kabilang sa mga nakiisa sa naturang aktibidad ay ang mga kawani ng Office of the City Agriculturist, PNP, Philippine Army, Philippine Coast Guard at ang mga miyembro ng Phi Omega Chi, SCATHZ, AKRHO, Unified Fisherfolk and Livelihood Association (UFLO), City Fishery Aquatic Resources Management Council (CFARMC), Brgy. Officials, BHWs, Brgy. Tanods, Brgy. Basak Youth Organization na mga pawang kabilang sa Advocacy Support Group.
Bunga ng pagkakaisa ng grupo ay matagumpay na nalinis ng mga ito ang lugar at nagawang bigyang katuparan ang layunin ng aktibidad na maisaayos at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran maging ang kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.
Kasabay ng tagumpay na nakamit sa nasabing aktibidad ay siniguro naman ng PNP maging ng iba pang grupo na sila ay laging nakaantambay, handang umalalay at magbigay ng kanilang tulong sa pamahalaan sa pagbibigay katuparan ng mga programa nito na nakatuon para sa kaunlaran ng bayan.