General Santos City – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng PNP Maritime Group sa dalampasigan ng Fishport Complex, Brgy. Tambler, General Santos City nito lamang ika-24 ng Abril 2023.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Rizaldy Caballero, Acting Chief ng Regional Maritime Unit 12 kasama ang Philippine Coast Guard, Alpha Kappa Rho, RMN Gensan Staff at Savior of the Sea.
Umabot sa mahigit 50 na sako ng mga tuyong dahon, plastic at sanga ang nakolekta sa isinagawang paglilinis.
Nagpasalamat naman ang mga residente na naninirahan malapit sa dalampasigan dahil sa pagtulong ng pulisya na malinis ang kanilang lugar.
Layunin ng aktibidad na panatilihin ang kalinisan sa mga yamang dagat upang maiwasan ang mga sakuna katulad na lamang ng tsunami at pagbaha.
Panulat niPatrolman Charnie Atienza Mandia/RPCADU12