Misamis Occidental – Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga miyembro ng Ozamis City Maritime Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Julie Buac, Station Chief, na idinaos sa Napu, Brgy. Malaubang, Ozamis City, Misamis Occidental nito lamang ika-21 ng Oktubre 2023.
Nakiisa rin sa paglilinis ang mga miyembro ng Maritime Police Station, KABALIKAT CIVICOM volunteers, SOS Ozamis Chapter, at Barangay Peacekeeping Action Team.

Nilibot ng naturang grupo ang lugar upang mamulot at magwalis ng basura.
Mahigit kumulang 10 sako ng basura ang nakuha sa naturang aktibidad.
Patuloy ang Ozamis PNP sa pagsasagawa ng mga aktibidad upang mapanatili ang kagandahan ng kalikasan at bahagi rin ng core values ng PNP na “Makakalikasan.”
Panulat ni Patrolman Edwin Baris