Misamis Oriental – Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga kasapi ng Talisayan Municipal Police Station sa Sitio Guiwanon, Talisayan, Misamis Oriental nito lamang umaga ng Nobyembre 16, 2023.
Ang naturang aktibidad ay sa ilalim ng direktiba ni Police Colonel Cholijun Caduyac, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office.
Nakiisa rin sa paglilinis ang mga miyembro ng Savior of the Master Talisayan Chapter.
Tulong-tulong ang nabanggit na mga grupo sa paghahalukay at pagpupulot ng basura sa naturang lugar.
Bahagi din ito ng mantra ng Regional Director ng Police Regional Office 10 na si Police Brigadier General Ricardo Layug Jr, na Sebisyong CARDO, Serbisyong may Puso, na kung saan hindi lang sa kapwa tao magseserbisyo ang PRO 10 kundi sa pagpoproteka din sa kalikasan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris