Tagoloan, Misamis Oriental – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Tagoloan PNP sa Brgy. Gracia, Tagoloan, Misamis Oriental nito lamang ika-2 ng Oktubre 2022.
Ayon kay Police Captain Enrique Dungog, Officer-In-Charge ng Tagoloan Municipal Police Station, ang naturang aktibidad ay naisakatuparan katuwang ang CBRP PWUDs, 30 volunteers at mga mamamayang naninirahan sa nasabing barangay.
Nakalikom ng sako-sakong basura ang grupo pagkatapos ng paglilinis sa dalampasigan.
Ang layunin ng programang ito ay upang mapangalagaan ang ating mga likas na yaman at protektahan ang ating kapaligiran.
Panulat ni Patrolman Nicole Villanueva/RPCADU 10