Lazi, Siquijor – Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga tauhan ng Lazi Police Station sa Sitio Lalao, Tigbawan, Lazi, Siquijor nito lamang ika-19 ng Hulyo 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Lazi Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Roberto Suan Anulacioj, Acting Chief of Police, katuwang ang mga miyembro ng KKDAT, Faith-Based Advocacy Support Groups, Force Multipliers (Taugama, Akhro, ASO, Rhocans).
Ang proyekto ay inilunsad bilang pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan” at alinsunod na rin sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Ang mga nasabing grupo ay naghahangad na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at upang mas linangin ang magandang kalidad ng ating likas na yaman.
Hangad ng Siquijor PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya at pribadong indibidwal ng nasabing lugar na mas mapayabong at mas mapaunlad ang yamang dagat na isa sa pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng ating mga kababayan.
###
Panulat ni Patrolwoman Kyla Hannah R Evangelista