Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang San Isidro PNPsa Barangay Biasong, San Isidro, Leyte noong Huwebes, Mayo 19, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Carmelo Gacho, Officer-in-Charge ng San Isidro MPS kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) ng San Isidro Chapter.
Layunin ng aktibidad na himukin ang publiko na tumulong na limitahan ang mga solid waste sa mga baybaying lugar na nakakaapekto sa kalusugan ng tao at mapanatili ang kalinisan ng ating kapaligiran.
Ang pakikiisa at pakikilahok ng mga kabataan sa iba’t ibang aktibidad sa komunidad ay lubos na nakakatulong upang mapalayo ang mga ito sa pagrerekrut ng mga komunistang teroristang grupo.
Ang ganitong programa ay nagbubuklod sa ating mga kapulisan at mamamayan upang pangalagaan ang ating kapaligiran at para sa kaligtasan ng ating pamayanan.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez