Romblon – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng San Fernando Municipal Police Station sa Barangay Azagra, San Fernando, Romblon noong ika-19 ng Setyembre 2023

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Chisi Faderagao, Chief of Police ng San Fernando MPS, kasama si Dra. Nanette B. Tansingco, Municipal Mayor, San Fernando LGU Staff, at 3rd Platoon Romblon PMFC.
Ang aktibidad ay naglalayong maprotektahan ang ating karagatan sa anumang uri ng polusyon at mapanatili ang likas nitong kagandahan.

Ito rin ay isang paraan upang hikayatin ang komunidad na aktibong makibahagi sa pagprotekta sa ating karagatan at kapaligiran.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus