Occidental Mndoro – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga kapulisan ng Sablayan Municipal Police Station sa Brgy. Poblacion, Sablayan, Occidental Mindoro nito lamang Sabado, ika-16 ng Setyembre 2023.
Pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Allan Montillana Jr, Chief of Police ng Sablayan MPS kasama ang Local Government Unit, mga ibang sektor ng gobyerno at mga residente ng nasabing barangay.

Ang naturang aktibidad ay naglalayong maipaabot sa publiko ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng ating kapaligiran alinsunod na rin sa PNP Core Value na Makakalikasan.
Hinihikayat ng PNP ang komunidad na patuloy na makiisa at suportahan ang mga programang nagsusulong na pangalagaan ang ating kalikasan para sa maayos at malinis na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus