Taytay, Palawan – Nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive ang mga tauhan ng 401st Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion MIMAROPA sa Fuerza de Sta. Isabel Brgy. Poblacion, Taytay, Palawan noong Setyembre 17, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng 401st Maneuver Company RMFB MIMAROPA sa pamumuno ni Police Captain Marvin Estigoy, Officer-In-Charge ng 401st Maneuver Company RMFB MIMAROPA kasama ang mga Local Government Unit ng Taytay, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Department of Environment and Natural Resources at City Environment and Natural Resources Office sa paglilinis ng mga kalat at basura sa baybayin ng nasabing barangay.
Ayon kay PCpt Estigoy, ang aktibidad ay kaugnay sa 2022 International Coastal Clean-up Day na may temang: “Fighting for Trash Free Seas Pilipinas: Ending the Flow of Trash at the Source”.
Ito ay isang paraan ng pagtuturo sa mga tao na lumikha ng mga posibleng solusyon sa matagal nang problema sa solid waste sa ating mga lokal na lugar sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura sa mga dalampasigan at daluyan ng tubig.
Hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.
Source: Firstmcrpsb Pcr
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus