San Remegio, Cebu – Nagsagawa ang mga tauhan ng 701st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 7 ng Coastal Clean-up Drive sa Brgy. Anapog, San Remigio, Cebu noong Linggo, ika-16 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Patrolman Edward Roble sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Ariel M Aspiras, Officer-In-Charge ng 701st MC, RMFB 7 katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT).
Sa nasabing aktibidad ay nakalikom ang grupo ng ilang sako ng mga basura kagaya ng styro foams, plastic cups, plastic bottles, at iba pa.
Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP peace and security framework na M+K+K=K o ang “Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran”, na hangad na mabigyan at maitaas ang kamalayan ng lipunan sa kahalagahan ng paglilinis ng mga baybayin at pangangalaga ng karagatan.
Ang naging hakbangin ng mga tauhan ng 701st MC ng RMFB7 maging ng ilang sektor ng pamahalaan ay nagpapakita ng kanilang tunay na malasakit hinggil sa pagpapanatili ng kaayusan ng kapaligiran at kaligtasan ng mga likas na yaman para sa kabutihan ng mamamayan.