Valencia, Bohol – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Valencia Municipal Police Station sa Coastal Area ng Barangay Poblacion Occidental, Valencia, Bohol nito lamang ika-11 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ni Police Major Sam Garcia Dacullo, Chief of Police at mga tauhan ng Valencia MPS.
Ayon kay PMaj Dacullo, ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “makakalikasan” na naglalayong ingatan at pangalagaan ang ating likas na yaman.
Hinihimok naman ng Valencia MPS ang kanilang mga residente na patuloy na makiisa sa mga aktibidad ng ating pamahalaan na nagsusulong ng kalinisan at kaayusan ng ating kalikasan upang maibalik ang ganda ng ating likas na yaman.
###
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido