Misamis Oriental – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Initao Municipal Police Station sa Brgy. San Pedro, Initao, Misamis Oriental nito lamang Hulyo 8, 2023.
Ito ay kaugnay sa pagdiriwang sa ika-28th Police Community Relations Month sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Marstar Lorenzo, Chief of Police ng Initao Municipal Police Station katuwang ang Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ng Barangay San Pedro.
Masigasig na nagpulot ng basura ang mga nasabing grupo sa baybayin ng naturang lugar na naglalayong magkaroon ng kamalayan ang publiko sa pangangalaga at maprotektahan ang ating kalikasan at mas mapalakas ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10