Patuloy ang pagsasagawa ng Gonzaga PNP ng Coastal Clean-up Drive na ginanap sa Barangay Cabanbanan Norte, Gonzaga, Cagayan noong ika-26 ng Mayo 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Arnel L Acain, hepe ng Gonzaga PNP, katuwang ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Team at Barangay Based Advocacy Group.

Nagkaisa ang mga grupo sa pamumulot at paglilinis ng mga nakakalat at nakatambak na mga basura sa nasabing tabing dagat.
Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng kapulisan at komunidad sa pagsasagawa ng mga ganitong aktibidad ay napagtitibay ang kanilang ugnayan upang magtulungang harapin at sugpuin ang mga suliranin sa kanilang bayan.

Samantala, patuloy namang hinihimok ng hanay ng Pambansang Pulisya ang publiko na patuloy na makiisa sa mga programa ng pamahalaan na naglalayong pangalagaan at panatilihin ang kalinisan ng ating kapaligaran at pinagkukunan ng hanapbuhay.
Source: Gonzaga Police Station