Biliran – Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive ang mga tauhan ng Biliran Police Provincial Office na ginanap sa coastal area ng Sitio Anas, Brgy. Agpangi, Naval, Biliran nito lamang Huwebes, Oktubre 20, 2022.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU) sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Disma Ebajan, Chief Clerk kasama ang Naval Municipal Police Station, 806th Community Defense Center ResCom Biliran, Alpha Kappa Rho Fraternity (AKRHO), Force Multipliers, at mga residente ng nasabing lugar.
Ang naturang aktibidad ay isinagawa bilang paggunita sa International Coastal Clean-up (ICC) Day 2022 at alinsunod sa Presidential Proclamation No. 470, series of 2003.
Ang Pambansang Pulisya ay laging on the go at handang sumuporta sa anumang aktibidad na may kaugnayan sa pangangalaga sa kapaligiran na nakaangkla sa isa sa mga CORE Values ​​nitong “Makakalikasan”.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez