San Remigio, Cebu – Nagsagawa ang mga miyembro ng 701st Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 7 ng Coastal Clean-up Drive Activity sa Brgy Anapog, San Remigio, Cebu noong ika-11 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Gerald D Casalme, Company Commander, na masugid naman na nilahukan ng mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo, AKHRO Fraternity, at ibang Advocacy Support Groups.
Sa nasabing aktibidad ay nakakalap ang grupo ng sako-sako ng iba’t ibang uri ng basura.
Layunin ng naturang aktibidad na maisulong ang pagkakaroon ng maayos at malinis na kapaligiran lalo na sa ating karagatan.
Ang pagmamalasakit ng grupo tungo sa ikakaganda at ikakaayos ng mga likas yaman ay nagpapakita sa masidhing hangarin ng grupo sa pagtupad ng magandang adhikain.