Nagsagawa ang mga tauhan ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company ng isang Coastal Clean-up drive sa Sitio Tabon Baybay, Barangay Caticlan, Malay, Aklan nito lamang ika-21 ng Abril 2024.
Katuwang din sa nasabing aktibidad ang Caticlan barangay officials, Sangguniang kabataan members at iba pang mga Volunteers.

Nilinis ng mga kalahok ang naturang baybayin at hinakot lahat ng basura na nakakalat na maaaring makasira sa karagatan gayundin sa kalusugan ng mga residente na nakatira sa lugar.
Layunin ng aktibidad ang pagtutulungan at pagkakaisa ay nagbibigay-buhay sa pangarap ng isang mas maaliwalas at ligtas na kapaligiran para sa komunidad.
Source: 2nd Aklan PMFC
Panulat ni Pat Lyneth Sablon