Southern Leyte – Nagsagawa ng Coastal Clean-Up Drive ang mga tauhan ng 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company sa baybayin ng Brgy. Poblacion, Bontoc, Southern Leyte nito lamang Sabado, Oktubre 1, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Geraldo Benjamin A Avengoza, Force Commander ng Southern Leyte PMFC, kasama ang mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station, Bontoc Bureau of Fire Protection at sa pakikipag-ugnayan sa APO Sogod Bay Alumni Association at iba pang stakeholders.
Nakakolekta ang mga dumalo ng mga sako-sakong basura mula sa baybayin na nagpaparumi sa mga daluyan ng tubig at nakakasira sa mga karagatan.
Ito ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at sa Peace and Security Framework ng kasalukuyang Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, ang MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Ang naturang aktibidad ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagtutulungan at aktibong pakikilahok ng mga miyembro ng komunidad upang matiyak ang isang malinis na kapaligiran.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez