Southern Leyte – Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga tauhan ng 1st Southern Leyte Provincial Mobile Force Company sa baybayin ng Brgy. San Jose, Sogod, Southern Leyte nito lamang Sabado, Agosto 13, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Geraldo Benjamin A Avengoza, Force Commander ng 1st Southern Leyte PMFC at sa pakikipag-ugnayan sa Department of Environmental and Natural Resources ng bayan ng Sogod.
Ang kapulisan at iba pang mga boluntaryong nakiisa ay nakakolekta ng sako-sakong basura mula sa baybayin na nagpaparumi sa mga daluyan ng tubig at pumipinsala sa mga lamang-dagat.
Layunin ng naturang aktibidad na linisin ang baybayin tungo sa mas malinis na karagatan.
Dumalo rin sa aktibidad ang iba’t ibang fraternities sa Sogod, mga miyembro ng KKDAT at mga residente ng nabanggit na barangay at iba pang stakeholders.
Ang aktibidad ay tunay na nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pakikipagtulungan at aktibong pakikilahok sa mga miyembro ng komunidad upang matiyak ang isang malinis at maayos na kapaligiran.
###
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez