San Jose, Occidental Mindoro – Nagsagawa ng Coastal Clean-Up drive activity ang Occidental Mindoro PNP sa Coastal area ng Barangay Pag-asa, San Jose, Occidental Mindoro nito lamang Hulyo 12, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Julius Ausena, Chief Executive Senior Police Officer (CESPO) ng 1st Occidental Mindoro Provincial Mobile Force Company katuwang ang mga tauhan ng San Jose Municipal Police Station, Scene of the Crime Operatives (SOCO), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), Bureau of Fire Protection-San Jose, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), Barangay-Based (Advocacy Support Group), Rotaract Club ng San Jose, Occidental Mindoro.
Ang aktibidad ay kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may Temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad tungo sa Maayos, Mapayapa at Maunlad na Pamayanan.”
Ang aktibidad ay naglalayong mapanatili ang kalinisan sa pamamagitan ng pag-alis ng mga basura at pagprotekta sa kalikasan.
Source: 1st OccMinpmfc
###
Panulat ni Patrolman Jorge Michael C Bardiago