Aklan – Naglunsad ng coastal clean-up drive ang mga tauhan ng Nabas Municipal Police Station sa Brgy. Nagustan, Nabas, Aklan nito lamang Hunyo 22, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Moonyen M De Joseph, Officer-in-Charge ng Nabas MPS kasama ang mga tauhan nito at nilahukan ng Philippine Guardians Brotherhood Incorporated, Aklan Chapter Nagustan Barangay Council sa pamumuno ni Punong Barangay Ma. Imelda Remedios B. Cruz.
Ang aktibidad ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” at hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
###