Panglao, Bohol – Tagumpay na isinagawa ng Bohol PNP ang coastal clean-up at tree planting activity sa Momo Beach, Brgy. Doljo nito lamang ika-24 ng Hulyo 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Executive Master Sergeant Teogenes B Sarmiento, Deputy Chief ng Bohol Tourist Police Unit katuwang ang mga miyembro ng Bohol Provincial Forensic Unit, Provincial EOD, at maging ang ilang residente ng naturang lugar.
Ayon kay Police Executive Master Sergeant Sarmiento, ang naturang aktibidad ay kaugnay sa kanilang pakikiisa sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month.
Kabilang sa mga naging gawain sa nasabing aktibidad ang paglulunsad ng programang “Scubasurero”, isang programa na nilahukan ng grupo ng mga divers upang makiisa sa paglilinis ng karagatan, paglilinis sa pampang, at pagtatanim ng malunggay at tanglad, mga uri ng mga halamang gamot.
Patuloy naman na hinihikayat ng Bohol PNP ang mamamayan na makiisa at makabahagi sa pagtupad ng mga programang nakatuon sa pag-aalaga ng ating kalikasan at mga likas yaman.
###