Negros Oriental – Tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng Coastal Clean-up Activity ng mga iba’t ibang ahensya ng gobyerno, Advocacy Support Group at pulisya na ginanap sa coastline ng Sitio Bucana, Brgy. Poblacion, Guihulngan City nito lamang Sabado, Agosto 12, 2023.
Ang aktibidad ay inisyatiba ng Youth for Peace Movement – Guihulngan City Chapter katuwang ang mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Romeo Cubo, Acting, Chief of Police, 62nd IB, 3ID, PA, 64th SAC-PNP SAF, Special CAFGU Active Auxiliary (SCAA), LGU, mga staff ng Brgy. Poblacion, Brgy. Tanods, AKRHO Advocacy Support Group, Stakeholders at residente ng nasabing barangay.
Sa pagkakaisa ng mga naturang grupo ay matagumpay na nalinis ng mga ito ang baybayin at nagawang bigyang katuparan ang layunin ng aktibidad na maisaayos at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran.
Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa proyektong ECO REVIVE Project ng Youth for Peace Movement – Guihulngan City Chapter na naglalayong itaas ang kamalayan tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating ecosystem at upang hikayatin ang responsableng pamamahala ng basura.