Cavite – Idinaos ang Closing Ceremony ng Social Media Product Development and Management sa PNPA VIP Lounge, Sinaglaya Hall, Camp Mariano Castañeda, Silang, Cavite nito lamang Huwebes, Marso 2, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major General Eric Noble, Director ng Philippine National Police Academy katuwang ang Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines sa pamumuno ni Colonel Medel Aguilar, Deputy Commander, CRS AFP, Spokesperson at Guest of Honor and Speaker.
Tinatayang 36 ang lumahok kabilang ang 22 PNPA Cadets, dalawang officers mula sa Bureau of Jail Management and Penology, isang Police Commissioned Officers, siyam na Police Non-Commissioned Officers at dalawang Non-Uniformed Personnel.
Ibinahagi ni PMGen Noble ang kahalagahan ng naturang aktibidad sa mga nagsipagtapos at kung paano magiging isang mainam na sandata upang tuluyan ng wakasan ang panlilinlang ng komunismo sa mga mamamayan.
Samantala, binigyang diin ni Col Aguilar sa mga nagsipagtapos na gamitin ang social media sa mabuting paraan upang malaman ang katotohanan para sa benepisyaryo ng ating mamamayan tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating komunidad.
Source: PNPA-PIO
Panulat ni PEMS Joe Peter Cabugon/RPCADU4A