Taguig City — Matagumpay na naisagawa ang Closing Ceremony ng Project E.S.T.O.M.O (Extra Ordinary Self-defense armed and unarmed Tactics for Police Officers to Manage Peace and Order in the Community) at Modified Handgun Marksmanship Training (MHMT) sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City nito lamang Miyerkules, Nobyembre 16, 2022.
Ang naturang pagsasanay ay dinaluhan ni Hon. Jose “Bong” Joson Teves Jr, Representative ng TGP Partylist bilang Guest of Honor and Speaker at ni PBGen Jonnel Estomo, Acting Regional Director kasama ang mga Command Group ng NCRPO.
May 91 na kababaihan ang sumailalim sa pagsasanay ng MHMT at 35 naman na kalalakihan sa Project E.S.T.O.M.O na mula sa iba’t ibang distrito ng NCRPO kung saan ipinamalas nila sa seremonya ang kanilang mga natutunan pagdating sa proper handling of pistols at sa mga self-defense.
Ang naturang pagsasanay ay idinisenyo upang mas lalo pang hubugin ang kakayahan ng kapulisan na maging maliksi, mabilis, at maingat sa pagtugon sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa mga lansangan at maging gabay sa pagpapalaganap ng mabuting adhikain ng ating kapulisan na siyang tulay upang mas mapagtibay ang ugnayan ng komunidad at pulisya.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos