Sibonga, Cebu – Matagumpay na naisagawa ang Closing Ceremony ng 5-Day Disaster Preparedness and Search, Rescue, and Retrieval Operations Seminar para sa mga kapulisan sa Camp Ceperino Genovia, Brgy. Bahay Sibonga, Cebu nito lamang ika-26 ng Agosto 2022.
Ang naturang pagsasanay ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Mary Crystal B Peralta, Assistant Division Chief ng Regional Community Affairs Development Division 7, at pinamunuan ni Police Brigadier General Roque Eduardo Vega, Regional Director ng Police Regional Office 7.
Sa kalagitnaan ng seremonya, ang mga espesyal na parangal ay iginawad sa 47 police participants mula sa Police Regional Office 7 na nagpakita ng dedikasyon at huwarang pagganap sa loob ng limang araw na pagsasanay.
Samantala, dumalo rin sa seremonya sina Police Lieutenant Colonel Maria Aurora Rayos, Police Executive Master Sergeant Wenceslao Salimbangon, Chief Clerk, RHSU, Police Lieutenant Colonel Reynante N Sibayton, Training Manager RSTU 7, RPCADU 7 Personnel at mga masisipag na Training Instructor mula sa Camp Ceperino Genovia.
Ang naturang pagsasanay ay idinisenyo upang mas lalo pang hubugin ang kakayahan ng kapulisan na maging maliksi, mabilis, at maingat sa pagtugon sa tuwing may darating na mga sakuna o kalamidad at maging gabay sa pagpapalaganap ng mga mabuting adhikain ng ating mga kapulisan na siyang tulay upang mas mapagtibay ang ugnayan sa pagitan ng komunidad at pambansang pulisya.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn Consul