Suyo, Ilocos Sur – Nagsagawa ng clearing at rescue operation ang Suyo PNP sa nangyaring landslide sa Sitio Kiblongan Brgy. Uso, Suyo, Ilocos Sur nito lamang Lunes, August 01, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Giron M Oncheta, Officer-In-Charge ng Suyo Municipal Police Station, katulong nila sa operasyon ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection at Municipal Disaster Risk Reduction Management Council.
Ayon kay PLt. Oncheta, kinilala ang isang sugatan sa nangyaring landslide na si Gemma Butangen y Daligis residente ng Sigay, Ilocos Sur at agad itong dinala sa pinakamalapit na pagamutan sa Ilocos Sur District Hospital para sa kanyang pagpapagaling.
Ayon pa kay PLt. Oncheta, walang naitalang nasawi pagkatapos ng sakuna.
Layunin nitong iligtas ang mga stranded na indibidwal at patuloy ang mga kapulisan kasama ang mga iba bang ahensya at mga volunteers sa pagsasagawa ng mga clearing operations sa mga kalsada, establisyimento at kabahayan na matinding naapektuhan sa nangyaring disaster.
Hinihikayat din ang bawat isa na maging mapanuri, laging handa at makiisa sa panahon ng sakuna upang mapanatiling ligtas sa anumang oras.
###
Panulat ni Patrolman Joshua Jimenez