Tanay, Rizal – Matagumpay na naisagawa ang Clean-up Drive/Tree Planting sa Brgy. Laiban, Tanay, Rizal bandang 7:00 ng umaga ng Sabado, Mayo 14, 2022.
Pinangunahan ng Tanay Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Staff Sergeant Michael Oficial, sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Ruben Piquero, Acting Chief of Police.
Nakiisa rin ang mga Advocacy Support Group na Kabataan Kontra Droga at Terorismo; Barangay Officials; 80th Infantry Battalion ng 2nd Infantry Division, Philippine Army, Sumulong College of Arts and Sciences Criminology Intern.
Ayon kay PLtCol Piquero, nagtulong-tulong ang mga grupo sa pamamagitan ng paglilinis ng mga estero, kanal at pagtatanim ng puno sa paligid ng naturang barangay.
Patuloy na hinihikayat ng Pambansang Pulisya ang mga mamamayan lalo na ang mga kabataan na makiisa at makilahok sa mga programang inilulunsad ng pamahalaan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng komunidad.
###
Panulat ni Patrolman Mark Lawrence Atencio/RPCADU 4A
Ang mga kapulisan ay lubos n maka kalikasan