Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga personahe ng Battalion Community Affairs Section ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB) sa Sucat-Bagumbayan River nito lamang Biyernes, Hulyo 5, 2024.
Ito ay pinangasiwaan ni Police Major Rommel R Purisima, Chief, BCAS, sa pakikipagtulungan ng Barangay Solid Waste Collector sa pangunguna naman ni Cristina Cruz kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Estero Rangers, at ang Barangay Sucat Sagip Ilog team.

Nagtulungan ang mga kalahok upang alisin ang mga dumi sa ilog, upang mapanatili ang mas malinis na daluyan ng tubig para sa komunidad.
Naglalayon itong mapabuti ang kalagayan ng kapaligiran ng ilog at isulong ang kamalayan ng komunidad sa pakikilahok sa mga aktibidad upang mapanatili ang kalinisan para sa ikakaunlad ng ating pamayanan.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos