Misamis Oriental – Matagumpay ang pagsasagawa ng Clean-up Drive ng mga tauhan ng Revitalized-Pulis sa Barangay Claveria, Misamis Oriental nito lamang ika-2 ng Marso 2023 sa Health Center ng Aposkahoy, Brgy. Aposkahoy, Claveria, Misamis Oriental.
ito ay pinangunahan ni Police Captain Nelson Calagui sa pamumuno ni Police Colonel Gonzalo Casas Villamor Jr, Provincial Director ng Misamis Oriental Police Provincial Office katuwang ang mga miyembro ng Philippine Army, at Aposkahoy Women Association.
Layunin nito na maging malinis upang makapagtanim ng gulay sa nasabing hardin at magkaroon ng pagkukunan ng pagkain ang mga nasabing residente.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pakikiisa sa pagpapaganda ng kapaligiran at hinihikayat ang mamamayan na makilahok sa aktibidad ng pamahalaan na pagandahin pa ang ating kalikasan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10