Caloocan City — Nagsagawa ng malawakang clean-up drive ang mga tauhan ng Northern Police District sa pangunguna ni Police Brigadier General Ulysses Cruz, District Director ng Northern Police District sa mga kalye ng Barangay 18, Caloocan City bandang alas-6:00 ng umaga, Mayo 12, 2022.
Kasama sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng SCAS CAMANAVA, BJMP, mga residente ng Barangay 18, at mga Advocacy Support Groups sa Lungsod ng CAMANAVA.
Sama-samang nilinis ng mga nakilahok ang mga estero sa lugar na may tambak na plastic, goma, styro, upos ng sigarilyo, diaper at iba pa.
Sako-sako rin na mga basura na nakatambak sa daanan ang pinagtulungang alisin sa tulong ng mga personnel ng Caloocan Bureau of Fire.
Samantala, hinikayat ni PBGen Cruz ang publiko lalo na ang mga residente sa lugar na huwag magtambak ng basura sa daan at panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa barangay.
Sa kanyang mensahe, pinasalamatan niya ang mga Advocacy Support Groups at ibang ahensya sa aktibong pakikiisa sa mga aktibidad at programa ng NPD.
Kasabay nito, tiniyak ni PBGen Cruz na patuloy na makipag-ugnayan ang kanilang hanay sa mga barangay upang mahigpit na maipatupad ang mga ordinansa kaugnay sa tamang pagtatapon ng basura at kalinisan sa Lungsod ng Caloocan.
Source: NPD PIO
###
Panulat ni Police Corporal Casuga