Nagsagawa ng clean-up drive ang Iguig PNP sa Brgy. Sta. Rosa, Iguig, Cagayan nito lamang Linggo, Mayo 15, 2022.
Ito ay pinangunahan ni Police Major Jeffrey Canay, Acting Chief of Police ng Iguig Police Station katuwang ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at mga Brgy. Officials.
Nagtulong-tulong ang mga grupo na namulot ng basura at bunutin ang mga makakapal at malalagong damo sa nasabing lugar.
Ang naturang aktibidad ay bahagi ng programa ng Pambansang Pulisya na “KaligKasan” o Kaligtasan at Kalikasan.
Pinangako ng Iguig PNP na patuloy ang pagsasagawa ng kanilang adbokasiya na protektahan at pangalagaan ang kalikasan upang mapanatiling malinis at maaliwalas ang kapaligiran para maging ligtas sa anumang sakuna at mabawasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima.
Source: Iguig Police Station
###
Panulat ni Patrolwoman Juliet Dayag