Basilan – Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga kapulisan ng 3rd Regional Mobile Force Company ng RMFB BASULTA sa Brgy. Balas, Lamitan City, Basilan nito lamang ika-6 ng Agosto 2023.
Ayon kay Police Captain Ferick Jay Comafay, Company Commander, naging matagumpay ang aktibidad na nakalikom ng sako-sakong basura mula sa naturang pampang.
Katuwang sa naturang aktibidad ang 53rd Special Action Company ng PNP SAF na naglalayong maipakita ang malasakit ng kapulisan at protektahan ang kalikasan na alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan”.
Samantala, hinihikayat ng PNP ang mga mamamayan na makiisa at makilahok sa mga programa ng Pambansang Pulisya lalo na sa pangangalaga ng ating kalikasan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz