Nagsagawa ng Clean-up Drive ang mga miyembro ng 3rd Mobile Force Platoon kasabay ng pagdiriwang ng “National Zero Waste Month 2024″ sa Brgy. Bangon, Aroroy, Masbate nito lamang ika-20 ng Enero 2024.

Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Corporal Edgardo Tugbo III, Team Leader sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Freddie Herry, Force Commander.
Nagtulong-tulong na naglinis sa buong kapaligiran ang naturang grupo katuwang ang mga Barangay Officials, Sangguniang Bayan at Masbate Gold Project Inc.

Layunin ng aktibidad na panatilihing malinis at ligtas ang kapaligiran para maiwasan ang anumang sakit na maaaring maidulot ng maruming kapaligiran.
Source: Masbate 1st PMFC