Isinagawa ang pitong araw na Civil Disturbance Management Operation Seminar (CDMOS) na ginanap sa Davao City Police Office at nilahukan ng 50 personnel mula sa iba’t ibang yunit/istasyon ng Davao City Police Office – Ready Standby Support Force (RSSF) nito lamang Abril 14, 2025.
Ang mga kalahok ay sumailalim sa masusing praktikal na pagsasanay hinggil sa CDM composition, riot control strategies, at squad and platoon formations.


Layon ng seminar na ito na higit pang patatagin ang kahandaan at kakayahan ng ating kapulisan sa epektibong pagtugon sa mga insidenteng may kinalaman sa kaguluhan sa lipunan, sa pamamagitan ng propesyonalismo, disiplina, at pagsunod sa umiiral na batas.
Ang mga kaalaman at kasanayang kanilang natutunan ay nagsisilbing mahalagang sandigan sa pagpapanatili ng seguridad ng publiko at kaayusan ng komunidad, lalo na sa panahon ng krisis at malalaking pagtitipon.
Panulat ni Pat Shairra Rose A Aquino