Cavite – Arestado sa ikinasang joint intelligence-driven operation ng CALABARZON PNP ang City Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 9165 nito lamang Disyembre 26, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Eleuterio Ricardo Jr, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang suspek na si alyas ‘’Raul”, residente ng Brgy. Alapan 1A, Imus City, Cavite.
Naaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng pinagsanib na operasyon ng mga tauhan ng Warrant Section ng Imus Component City Police Station at 401st A Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion 4A sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” na may inirekomendang piyansa na Service of Sentence.
Ang Cavite PNP ay lalong paigtingin ang kampanya laban sa kriminalidad at mga taong nagkasala sa batas para makamtan ang tahimik, maayos, at ligtas na pamayanan.
Source: Cavite Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin