Tacloban City – Arestado ng mga tauhan ng Tacloban City Police Office- Police Station 3 ang isang lalaki na City Most Wanted Person sa Brgy. Polangi Calbiga, Samar noong ika-27 ng Setyembre 2022.
Kinilala ni Police Captain Juan Eliezer A Abellon, Officer-In-Charge ng Tacloban City PS3, ang naaresto na si alyas “Rey”, 51, may asawa at residente ng Brgy. 11 Guiuan, Eastern Samar.
Ayon kay PCpt Abellon, bandang 1:00 ng hapon naaresto si alyas “Rey” ng mga operatiba ng Tacloban City Police Office – Police Station 3 Tracker Team sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape.
Mensahe ni PCpt Abellon, “Ang Police Station 3 ay patuloy na magsasagawa ng walang humpay na mga operasyon hanggang mapasailalim ng batas ang mga may sala sa ating lipunan”.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez