Arestado ang isang City Level Most Wanted Person sa isinagawang manhunt operation ng Santa Rosa Component City Police Station sa Barangay Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna nito lamang ika-28 ng Mayo 2024.
Kinilala ni Police Colonel Gauvin Mel Y Unos, Acting Provincial Director ng Laguna Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jocelyn”, residente ng Santa Rosa City, Laguna.
Naaresto ang suspek bandang 12:30 ng tanghali ng mga tauhan ng Santa Rosa Component City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang piyansa.
Ang Sta. Rosa PNP ay hindi titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa pagkamit ng isang Bagong Pilipinas na ligtas mula sa iba’t ibang uri ng kriminalidad.
Source: Laguna Police Provincial Office
Panulat ni Pat Angelica Rica S Teng