Arestado ang isang City Drug listed personality sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Iloilo City Police Station 3 sa Barangay Lanit, Jaro, Iloilo nito lamang ika-28 ng Marso 2025.
Kinilala ni Police Captain Mary Jane Panes, Officer-In-Charge ng Iloilo City Police Station 3, ang suspek na si alyas “Roger”, 51-anyos at residente ng nasabing lugar.
Nakuha mula sa suspek ang limang (5) heat-sealed plastic sachet ng hinihinalang shabu kasama ang buy-bust item at may timbang na aabot sa humigit kumulang 22 gramo at may market value na Php149,600.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ang patuloy na dedikasyon at walang humpay na pagsusumikap ng PNP sa paglaban sa iligal na droga ay isang tunay na halimbawa ng kanilang malasakit at responsibilidad upang tiyakin ang kaligtasan at kapayapaan sa bansa. Dahil sa bagong Pilipinas ang gusto ng pulis ligtas ka!.
Source: K5 NEWS
Panulat ni Pat Andrea Dominique Depalubos