Arestado ng Tugbok Police Station ang isang Child in Conflict with the Law (CICL) nito lamang ika-17 ng Hulyo 2024 sa Purok 18, Leonor Compound, Barangay Lubogan, Toril, Davao City.
Kinilala ni Police Major Sheryl Y Bautista, Station Commander ng Toril Police Station, ang suspek na si alyas “Belinda”, 17 anyos, residente ng nasabing lugar.
Mahaharap ang suspek sa kasong Other Acts of Child Abuse.
Samantala, ang Police Regional Office 11 ay patuloy na nagsasagawa ng operasyon upang hulihin ang lahat ng wanted persons sa Rehiyon Onse.
Panulat ni Patrolwoman Shairra Rose A Aquino