Handog ang maagang pasko o taunang “Christmas in November” ng mga tauhan ng Southern Police District para sa mga senior citizen sa House of Somang (Home of the Elderly), ParaƱaque City nito lamang Huwebes, Nobyembre 28, 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Bernard R Yang, District Director ng SPD, na kinatawan ni Police Colonel Jessie B Tamayao, DDDA kasama ang District Community Affairs Division at SOCMI Life Coach Ms. Cecilia Castro.


Ngayong taon, ang napiling mga benepisyaryo ay ang 40 senior citizen ng naturang home for the elderly.
Kasama sa pagdiriwang ang isang maikling programa, mga palaro, pagbibigay ng regalo, at mga donasyon.
Naghatid din ng inspirational message si PCol Tamayao, na nagpalaganap ng pag-asa at saya sa mga matatandang dumalo bilang bahagi ng misyon ng SPD na dalhin ang init ng Pasko sa mga nangangailangan.
Source: SPD PIO