Monday, November 25, 2024

Chinese National at 3 iba pa, kalaboso sa mga awtoridad sa NAIA 2

Manila, Philippines – Iniulat ng PNP Aviation Security Group ang pagkaka-aresto sa isang Chinese National at tatlong iba pa dahil sa umano’y illegal detention ng isang Chinese National sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 nito lamang gabi ng Martes, Nobyembre 15, 2022.

Ayon sa PNP-AVSEGROUP, isang babae ang lumapit sa kanila at sinabi  na ang kanyang nobyo, na isa ring Chinese National, ay nasa kustodiya ng mga hindi pa nakikilalang mga lalaki na sakay ng isang puting Toyota Grandia, at papaalis na ng NAIA Terminal 2 patungong Cebu.

Agad namang nirespondehan ng mga tauhan ng PNP-AVSEGROUP na nakatalaga sa Bay 5, South Wing Domestic Departure Curbside ang ulat na nagresulta sa matagumpay na pagharang sa nasabing Toyota Grandia, kung saan naroon ang biktima at agad na naaresto ang apat na lalaking suspek.

Napag-alaman ng mga awtoridad na ang dalawang suspek ay kabilang sa military reservist at ex-military, at nakuha sa kanila ang isang caliber M45 Norin at isang Caliber 9mm short firearm.

Sinabi ni Police Colonel Anthony Aberin, Acting Director ng AVSEGROUP, na dinala sa AVSEU-NCR ang apat na naarestong suspek para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Patuloy naman ang pagpapaigting ng Pambansang Pulisya ng kanilang seguridad upang patuloy na masiwata ang iba’t ibang uri ng illegal na gawain.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles