Arestado ang isang Chinese National dahil sa Grave Threat, paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act (RA 10591), at paglabag sa gun ban sa ikinasang operasyon ng mga otoridad malapit sa isang lokal na hotel sa Barangay Don Galo, Parañaque City bandang 8:10 ng gabi nito lamang Huwebes, ika-16 ng Oktubre 2024.
Kinilala ni Police Colonel Melvin R Montante, Chief of Police ng Parañaque City Police Station, ang suspek na si alyas “Liu”, 32 taong gulang.
Inireklamo ang suspek ni alyas “Fang”, isang 24 anyos na Chinese National.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kapwa sakay sina “Liu” at “Fang” sa isang puting Ford Explorer, na minamaneho ng 27 anyos na si alyas “Mark” nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Biglang naglabas ng baril ang suspek at itinutok sa biktima.
Agad na inihinto ni alyas “Mark” ang sasakyan at humingi ng tulong sa malapit na bystander na umalerto sa mga pulis.
Mabilis na rumesponde sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Parañaque CPS Investigation and Detective Management Section na nasa lugar para sa follow-up investigation.
Inaresto ng pulisya ang suspek at narekober ang isang 9mm pistol na may serial number na RIA1775640, na may kargang limang bala.
Inihahanda na ang mga reklamo para sa grave threat, paglabag sa RA 10591, at paglabag sa gun ban laban sa suspek.
Tiniyak ng SPD na maayos na maipapatupad ang mga batas sa kanilang mga nasasakupang lugar para sa mapayapang Election at para sa kaligtasan ng bawat indibidwal.
Source: SPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos