Friday, May 2, 2025

Chinese National arestado dahil sa naaktuhang may hawak na baril

Arestado ang isang lalaking Chinese National matapos mahuling may hawak na baril ng mga tauhan ng Parañaque City Police Station nito lamang Miyerkules, Disyembre 20, 2023.

Kinilala ni PBGen Mark Pespes, Officer-In-Charge ng Southern Police District, ang suspek na si alyas “Jung”, 37 taong gulang.

Ayon kay PBGen Pespes, nangyari ang pag-aresto sa suspek dakong alas-12:50 ng madaling araw sa harap ng isang hotel sa kahabaan ng Macapagal Blvd., Brgy. Don Galo, Parañaque City makaraang makatanggap sila ng tawag mula sa taga-MMDA na naaktuhan umano ang suspek na sakay ng Ford Raptor at may hawak na baril.

Sa mabilis na pagresponde, nakorner nila ang suspek at nakumpiska ang dalawang caliber 45, 13 live ammunition rounds, dark grey Ford Raptor na may PN:NBI 1688, Rolex watch, dalawang bracelet, at dalawang Android cellphone (Samsung at Huawei).

Bukod pa rito, narekober din ang halagang Php22,224 sa iba’t ibang denominasyon.

Agad na ipinaalam kay alyas “Jung” ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa pamamagitan ng isang interpreter at sya’y mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Pinuri ni PBGen Pespes, ang mga opisyal ng MMDA at Parañaque City Police Station sa kanilang mabilis na pagkilos na isang tunay na kapuri-puring gawa upang maprotektahan ang mga mamamayan ng Parañaque laban sa anumang krimen lalo ngayong Yuletide Season.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,550SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles