Nagsagawa ng Child Protection Program at KKDAT Memorandum of Agreement (MOA) Signing ang Naguilian National High School at Naguilian PNP na ginanap sa Naguilian National High School, Brgy. Magsaysay, Naguilian, Isabela noong ika-25 ng Oktubre 2022.
Nanguna sa MOA Signing sina Mr. Orlando B Nicolas, Principal II at PMaj Junneil A Perez, Acting Chief of Police.
Sa pamamagitan nito, magiging katuwang ng mga guro ang kapulisan na tiyakin ang interes ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral.
Layunin nito na maisulong ang bawat pangangailangan ng mga mag-aaral at maproteksyunan sila laban sa anumang kriminalidad.
Source: Naguilian Police Station
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos