Cagayan – Bumisita si Police General Rodolfo S Azurin Jr., Chief Philippine National Police sa Police Regional Office 2 sa Camp Marcelo A Adduru Tuguegarao City, Cagayan noong ika-18 ng Abril 2023.
Mainit na tinanggap si PGen Azurin ng bawat miyembro ng Valley Cops sa pamumuno ni Police Brigadier General Percival Rumbaoa, Regional Director, na pinangunahan naman ni Police Colonel Marcial Mariano P Magistrado IV, Deputy Regional Director for Administration.
Pinasalamatan ni Chief PNP Azurin ang bawat miyembro ng hanay kabilang na ang mga non-uniformed personnel at strikers dahil sa suporta at tulong sa kanyang walong buwang panunugkulan bilang Ama ng Pambansang Pulisya.
“Without the support of every PNP personnel at different level including the Non-Uniformed personnel at mga strikers sa mga opisina natin, we cannot achieve what we were able to accomplished in my more than 8 months of my stint as your Chief Philippine National Police”, ani PGen Azurin.
Liban dito, hinikayat din niya ang lahat ng kapulisan na ipagpatuloy ang pagsusumikap na magsilbi para sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon.
“I encourage lahat ng kapulisan dito to continue to work hard so that the peace and security in the entire Region 2 will continue to be manageable, stable para sa ganoon ang economic growth ay tuloy-tuloy”, dagdag pa niya.
Binanggit din niya ang layunin ng Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran na masusukat ang kapayapaan at seguridad batay sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon.
Samantala, ang KASIMBAYANAN program ay naglalayong patatagin ang ugnayan sa iba’t ibang sektor sa lipunan upang maging katuwang para mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa pamayanan.
Photos: Police Regional Office 2
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi