City of San Fernando, Pampanga – Binisita ni Police General Dionardo Carlos, Chief, Philippine National Police ang Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga noong Abril 11, 2022.
Malugod na sinalubong ni Regional Director Police Brigadier Matthew Baccay ang Ama ng Pambansang Pulisya sa kanyang nasasakupan.
Pinangunahan ni C, PNP ang isang Command Conference kung saan dinaluhan ito nina Police Major General Valeriano De Leon, The Director for Operations; Police Major General Walter E Castillejos, The Director for Police Community Relations; Police Major General Alessandro Abella, Director for Comptrollership, APC-Northern Luzon; Police Brigadier General Remus Medina, District Director, Quezon City Police District; at Police Brigadier General Clifford B Gairanod, Director, Headquarters Support Service.
Kasunod dito, matagumpay na pinasinayaan at binasbasan ang mga bagong gusali ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo at Regional Health Service Unit.
Pinangunahan din ni C, PNP ang Groundbreaking at Capsule laying sa itatayong Regional Internal Affairs Service.
Bukod dito, pinaalahanan naman ni PGen Carlos ang PNP Central Luzon tungkol sa kahalagahan ng “3D’s: Distinction, Discipline at Decorum” sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang miyembro ng Pambansang Pulisya.
Pinuri rin niya ang pamunuan ng Police Regional Office 3 bilang isa sa mga nagbigay ng kontribusyon sa magandang imahe at tagumpay ng PNP sa 1st Quarter 2022.
###
Panulat ni Patrolwoman Hazel Rose Bacarisa
Godbless PNP